Sunday, October 21, 2018

Sobrang Taas na Overpass sa Quezon City


Isang netizen, si Danna Galendez, ang nag-post sa social media ng kanyang saloobin at karanasan tungkol sa isang napaka-taas na overpass sa Commonwealth, Quezon City.

 "Muntik na 'ko mahimatay sa taas, Central Ave, over sa pagka overpass" ang caption ni Danna sa kanyang post. Unang beses lamang daw niya naranasang tumawid sa overpass na ito.

Ito ang tulay na matatawiran sa magkabilang bahagi ng Central Ave. Sa kabilang bahagi kasi ang sakayan ng mga papuntang Fairview.

Nagulat daw si Danna dahil wala pa raw ito isang araw bago siya tumawid doon. Marahil daw kasi ginawa ang footbridge na ito upang bigyang daan ang MRT 7.

Ito kasi ang karagdagan linya ng MRT na ang ruta ay Bulacan hanggang Quezon city. Sa ganitong paraan, magiging 30 minutos na lamang daw ang biyahe ng Bulacan/ Quezon City na dati ay umaabot sa dalawng oras.


Samantala, di rin naiwasan ng ibang netizens na magbahagi ng kanilang karanasan sa pagtawid sa naturang overpass.

No comments:

Post a Comment