Monday, October 22, 2018

Darren Espanto Binatikos ang "Hacked Tweet" ni Juan Karlos


Hindi natuwa si Darren Espanto at bumanat sa tweet ni Juan Karlos sa diumano'y "hacked tweet" tungkol sa kanyang pagkatao.

Nag-trending ang banat na tweet ni Darren kay Juan Karlos at tila hindi nga natuwa ang una sa huli dahil sa naturang mensahe.

Ani pa sa diumano'y "hacked tweet:":

"@Espanto2001 gayness at its finest"

Ayon pa sa timestamp sa screenshot na nakuha ni Darren Espanto sa naturang "hacked tweet," naipost ito noong October 19, 2018 at 6:58am. At tinweet naman ni Darren noong Monday, October 22, at may caption pa na:

"Timing ‘no? Dinelete ng “hacker” mo yung tweet na ‘to after kang kausapin ng management.Pag nahanap mo yung hacker mo puntahan niyo ako para malaman niyo kung sino yung totoong BAKLA. @KarlosLabajo"

Tila hindi nga nagustuhan ng batang singer ang nasabing tweet at binanatan rin niya ang isang Twitter user na nagcomment na patanong. Ani ni Darren:

May gender identity issues ka diba? Wag mo akong itulad sa'yo"

Dahil rito, bumuhos ang samu't saring reaksyon tungkol sa trending tweet na ito.

No comments:

Post a Comment