Sunday, October 28, 2018

Pinakamalaking Statue sa Buong Mundo Ipapakita Na!

 Inaasahang ipapakita na ng bansang India ang world’s tallest statue sa susunod na linggo. Ang napakataas ng figure ni Sardar Vallabhbhai Patel, isang popular na politico at social leader na parte ng freedom struggle na nag-resulta sa pagkalaya ng India sa British colonial rule noong 1947.

Sa taas na 182 meters or 597 feet, sa mismong ilog ng Narmada sa may western Indian state ng Gujarat, and statue ay nakaset ng buksan sa October 31, na gawa sa approximately 1850 na tonelada ng bronze.



"In the world, people talk about America's Statue of Liberty. We want to make a statue of Sardar Patel at twice the size of the statue of Liberty," sabi ni Prime Minister Narendra Modi noong 2013. Ang Statue of Liberty ay may taas na 93 meters kasama ang kanyang pedestal.

Ang ambisyosong proyekto ay ini-announced ni Modi noon 2010, noong siya ay isa pa lamang chief minister ng state ng Gujarat. Gawa sa pondo mula sa Gujarat state government, eto ay nakakuha ng suporta mula sa federal government at mga individual na mga kontribusyon.

Ang proyekto ay estimated na nagkakahalaga ng mahigit sa $410 million, ang committee na nagtitingin sa construction ay nakiusap ng mga public donations para matapos ang statue. Habang si Modi naman ay nakiusap sa mga magsasaka mula sa buong bansang India na magdonate ng Iron o bakal.

Ang proyekto ay merong museum, research and entertainment center, habang isang 3-star hotel ay itinayo malapit lang sa proyekto.

Habang ginagawa ang Statue of Unity na eto na naghihintay na maging pinakamataas na statue sa buong mundo. Isa nnamang statue dedicated naman para sa famous na si Maharashtrian warrior na si Shivaji ang kasalukuyang ginagawa malapit sa Arabian Ocean sa may coast ng Mumbai. Eto ay inaasahang aabot sa 212 meters, at inaasahan din na matataasan ang kasalukuyang proyekto ni Modi.

No comments:

Post a Comment