Sunday, October 21, 2018

Isang Netizen Na-"SHOOKT" daw sa Nadiskubre sa 20 Peso Bill!

Isang netizen ang nakadiskubre sa 20 Peso bill at agad agad niya etong pinost sa social media at kalaunan ay naging viral. Sa post ni Samanta Seika Vitocruz, hindi umano niya inasahan na may ganito palang makikita sa nasabing papel na pera ng Pilipinas.


“GRABI HAHAHAHA While looking at my bente….. IM SHOOKT! May mga baybayin letters akong nakita…" ayon sa caption nito. "At dahil curiosity kills me, Sinearch ko anong meaning, And it was (pe/i) (le/i) (pe/i) (no/u) OR PILIPINO. p.s.Hindi ko po sinulatan ang pera, at intindihin na hindi lahat ng tao alam ang tungkol dito.”


Ang Baybayin (kilala sa Unicode bilang Tagalog script o panitik na Tagalog) ay isang lumang paraan ng pagsulat ng mga kayumangging Pilipino (mga salitang katutubo sa kapuluan ng Pilipinas) bago pa nakarating sa kapuluan ang mga dayuhang Kastila. Ito ay nasaksihan na ginagamit sa mga kapuluan ng Pilipinas ng mga Kastila noong ika 16 na siglo.


Iba-iba naman ang reaksyon ng mga netizens dito. Mayroong namangha at bumilib sa nadiskubre nito, habang mayroon namang nagsabi na matagal na itong naroon. Ganunpaman, nakatutuwa pa ring malaman ang mga bagay na may kaugnayan sa ating kultura.

Source: KAMI

No comments:

Post a Comment