Wednesday, October 31, 2018

Mag-Asawang Blogger Namatay Habang Nag-Se-Selfie Sa Delikadong Lugar!


Ang mag-asawang blogger ng "Holidays and HappilyEverAfters" na sina Vishnu Viswanath, 29, at Meenakshi Moorthy, 30 ay namatay matapos magselfie sa isang sikat na lugar, ayon sa kwento ng isa sa kaanak ng mga ito ay parehong mahilig sa delikadong libangan.
Mula sa India ang dalawa at nakatira na sa Amerika. Nalaglag ang dalawa sa Yosemite National Park sa California, USA habang kumukuha ng selfie ang mga ito.

Kinailangan pa ng helicopter para makuha ang katawan ng dalawa. May taas na 800 feet o 245 metro ang kinahulugan ng mga ito. Sa huling Instagram post ni Moorthy, makikita ang kuha niyo na nasa bingit ng Grand Canyon. Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang insidente.

No comments:

Post a Comment