Friday, October 26, 2018

Nakakaiyak na LEVI's PH AD Nagviral


Isang nakakatunaw na video ng Levi's PH ang nagviral kamakailan lang. Ito ay tungkol sa amang magpapa-customized ng jacket na ireregalo sa anak.
Pianagawa sa tailor o sastre ang gusto niyang disenyong. Nang matapos na ang customized jacket, aakalain mo lang na simpleng disenyo ito. At sumunod na ang eksenang nagpahagulohol sa marami.

Ang disenyo pala na nasa jacket ay braille system ng mga katagang "Anywhere you go, andyan lagi si Papa, " at ito ay para sa binatilyong anak ng lalaki na isa palang bulag. Umani ng iba't ibang reaksyon ang viral video na ito at pinuri ng netizens ang Levi's sa naiiba at nakakatunaw na puso na konsepto ng patalastas nila.

No comments:

Post a Comment