Ang isang unhealthy Lifestyle ay nakagpapataas ng iyong blood pressure habang tumatagal. At kapag mataas ang iyong blood pressure, mas mataas ang tyansa na magkaroon ka ng stroke o heart attack sa hinaharap.
Pero ang magandang balita, kapag ikaw ay may mataas na blood pressure, ang pagiging healthy ang kalusugan ay kayang pababain eto. Huwag ng mag-antay pang tumaas ang blood pressure mo para umpisahang baguhin ang healthy lifestyle mo. Mas maraming paraan para pababain ang blood pressure, mas malaki ang tiyansang pababain ang risk ng isang heart attack or stroke.
1. Blood Pressure Diet - Wag kumain ng maaalat na pagkain
Sobrang maalat na mga pagkain ay nakapag-papataas ng blodd pressure, importanteng kumain ng konti lang kung kinakailangan. Sa totoo lang, kailangan lng ng karaniwang may matataas na blood pressure ay bawasan lang ang pagkain ng maaalat na mga pagkain.
Minsan ang mga maaalat na mga pagkain ay hindi isinasama sa pagkain, minsan eto ay naka-prepared na sa mismong mga pagkain katulad ng tinapay, breakfast cereals and mga ready made meals.
Huwag magdag-dag ng sobrang asin sa pagkain kapag nagluluto or kapag habang kumakain. Kapag bumibili ng pagkain o groceries, i-check ang mga labels o nutrition facts at piliin ang low-salt options kung kinakailangan.
2. Blood Pressure Diet - Kumain ng prutas at gulay
Kumain ng maraming prutas at gulay para bumaba ang blood pressure. Ang isang adult ay kailangang kumain ng at least 5 potions ng prutas at gulay araw araw. Ang isang portion ay 80 grams, or kasing laki ng isang kamao.
Kumain ng iba't ibang uri ng prutas at gulay. Dried, frozen o tinned ay pwede na, pero tignan ang added salt, sugar o fats.
3. Blood Pressure Diet - Tignan ang timbang
Ang pagbaba ng timbang ay kailangan para mapababa rin ang blood pressure at matiyak na mapababa ang risk ng problemang pangkalusugan. Ang pinaka-best way ay piliin ang mga pagkaing may low-fat at low-calorie, at baguhin ang physical na activities.
Mag-set ng realistic goals. Gawin ang maliliit na pagbago sa mga eating habits at activity levels para maayos ang kalusugan.
4. Blood Pressure Diet - Wag masyadong uminom ng alak
Kapag uminom ka ng madaming alak, eto ay nakapagpapataas ng blood pressure sa katagalan. Ang recommended na limit sa pag-inom ng alak ay "14 units" ng alcohol o alak kada linggo para sa mga kalalakihan at kababaihan. Ang isang unit ay katumbas ng "half a pint ng beer" o "isang glass ng wine".
Kapag nalimitahan mo ang recommended alcohol limits, eto ay kayang pababain ang blood pressure.
5. Blood Pressure and Exercise - Maging active
Maging active kahit 30 minutes lang, five times sa isang linggo, ay kayang maging healthy ang puso, at kayang pababain ang blood pressure. Kapag di mo kaya ng 30 minutes sa isang araw, pataasin lamang ang activity mo kahit na paunti-unti kada araw kahit papaano.
No comments:
Post a Comment