Nagviral ang isang post ng netizen na si Sarena Singian tungkol sa kanyang kapatid na nagbabad sa kaka-cellphone.
Ayon sa post ni Sarena, di na raw lumalabas ng bahay minsan pa ay kwarto niya mismo ang kanyang kapatid at wala na lang daw itong ginawa kundi ang mag-cellphone. Nalilipasan din daw ito ng gutom minsan at halos di na talga bitawan ang kanyang gadget, umaga hanggang gabi. Isang umaga, ginising ang dalagita ng ina. Nakabili pa raw ito nang bigas bago sabihing siya ay nahihilo. Sinabi pa raw ng kanilang ina na uminom na lang ng tubig para maibsan ang hilo ngunit bigla na lamang daw ito pumunta sa CR at nagsuka.
Sinugod na sa ospital ang dalagita at doon nakumpirma na nag-seizure nga ang dalagita sanhi ng labis na paggamit ng cellphone. Maaalalang di ito ang unang beses na may naiulat patungkol sa nag-seizure bunsod ng sobrang paggamit ng mga gadgets. Kadalasan pa ay mga bata edad na 7-12 ang unang naibalita na nakaranas ng focal seizure kung tawagin. Magsilbi raw sana itong babala sa mga magulang na bigyan lamang ng oras ang paggamit ng cellphone at iba pang gadgets ang kanilang mga anak. Noon pa man, sadyang ang labis ay nakasasama kay mainam na maagapan at huwag na nating hintayin na mangyari pa ito mismo sa atin.
No comments:
Post a Comment