April 16, 2016
First time ko mag-renew ng Philippine Passport ko dito mismo sa Riyadh, KSA at medyo okay naman ang proseso ng pag-apply. Sa kabutihang palad, parte ng kumpanya namin ang mismong nag-aasikaso ng aplikasyon. Mabilis at maayos nman ang aplikasyon.
6:00 AM - Halos ang daming tao sa mismong building na pinagkukunan ng application forms at registration. Sa tantiya ko ay halos nasa 200+ katao ang dami ng dumalo. Subalit, 200 lang ang limit na aasikasuhin ng representative ng Philippine Embassy. Maganda ang pag-accomodate nila sa mga aplikante dahil sa pag-provide ng mga free tubig at kape. Masayahin talaga ang mga Pilipino spagkat may isang LGBT (Lesbian-Gay-Bisexual-Transsexual) na nagbibigay ng saya sa mga tao na nabbagot na sa pag aantay.
8:28 AM - Habang nagaantay sa mga representative ng Philippine Embassy, ang mga muslim preacher ay nagtuturo ng kanilang relihiyon kahit na mostly ay 90% roman catholic ang mga aplikante. Alam kong hnd interesado ang mga tao dahil halos lahat ng tao ay nakayuko sa kani-kanilang mga cellphone. Bilang respect na lng sa muslim preacher, lahat sila ay quietly respecting n lng ang mga aplikante sa kanilang mga upuan.
8:45 AM - Wala pa rin ang mga representative ng Philippine Embassy. Talagang Filipino Time talaga ang umiiral palagi kahit nsa ibang bansa.
9:00 AM - Sa wakas andito na mga representative ng Philippine Embassy. Another form ang pipirmahan para sa sa evaluation ng mga representative.
11:00 AM - Finished at last. Hindi ko expect na ganun kabilis ang service nila. Above expectation ung kabilis nilang magproseso ng application. Wala akong masabi, mabilis na proseso at registration.
Thanks at natapos din ang processing of application for renewal ng Philippine Passport ko. Since it was my first time making my renewal abroad, it exceeded my expectations. Yun nga lang medyo late sila dumating because of some circumstances maybe.
One thing only na hindi ko ngustuhan ay ung paginsert ng other religion teachings sa government processing. Wala akong galit sa ibang religion, but it should be about processing and registration. Anyways, it was a success.
Philippine Embassy in Riyadh, Good Job!!!
No comments:
Post a Comment