Gusto kong magpaumanhin sa inyong lahat dahil magiging Tag-lish (Tagalog-English) na aking magiging blog magmula ngayon. Sorry at inabot ng taon bago ko ulit buksan at ipagpapatuloy ang aking blog. Ako ay nakabalik ulit sa Saudi Arabia at nagpatuloy ulit ang aking pagtratrabaho sa larangan ng Engineering.
Isa akong Electrical Engineer by profession at may passion ako sa pagdrawing at saka sa larangan ng computer works. Mahirap mahiwalay sa pamilya natin pero kailangan natin makipagsapalaran sa ibang bansa para magkaroon ng magandang buhay ang ating pamilya. Isa sa ating mga nararanasan bilang OFW (Overseas Filipino Worker) ay ang Homesickness (Kalungkutan sa pangingibang bansa).
Kababalik ko lang galing bakasyon last January 26 ng taon na eto at nakakaramdam ako ng matinding Homesick. Lahat ng OFW ay nararanasan ang ganitong karamdaman at kalimitan sa mga baguhang OFW ay sadyang hindi napipigilan ang mga luha.
Dahil na rin sa aking karanasan sa loob ng mahigit 5 taon na dito sa Saudi ay naka-adjust na ako sa mga ganitong sitwasyon. Unang mai-re-recommend ko ay sadyang magfocus sa trabaho o work. Isipin nyo na lang ang mga bills o mga binabayaran sa Pilipinas at ifocus sa work para maging masipag lalo na para makapag-overtime.
Ang pagiging focus sa trabaho ay pansamantalang nakakapagtanggal ng kalungkutan o homesickness. Maiiging pagtuunan ng pansin ang routine work kung saan ka man nakapwesto sa trabaho. Maging masipag at always na magdasal sa Poong Maykapal para bigyan tau ng lakas sa pang-araw araw nating buhay.
Dito muna tayo mga kababayan at ipagpapatuloy natin sa susunod na araw ang ating diskusyun.
Salamat ng marami sa mga sumusunod ng aking Blog.
God Bless Us all. :)
No comments:
Post a Comment